Nge… hahah
Magtatagalog muna ako…nakaka-miss yung ganito.
Hahah.
Kakagaling ko lang kanina sa banyo…naligo kasi ako.
Nahihirapan kasi ako matulog pag di ako naliligo sa gabi.
Pag-labas ko, nakita ko sa kama sila Momei, Boulek at Boutik...nanunuod ng TV.
Pupunta na sana ako ng kwarto ko nang biglang magsalita si Boulek…
Boulek: *nakatingin sakin* “Parang pumuti ka…”
Ako: *lumaki ang mata ko…syempre nagulat eh hahah*
Boutik: *tumingin din sakin* “Parang pumuti ka nga…”
Momeis: “Hahahah *Oo. Tumatawa nga sya.*
Ako: “Ano?!” *malaki pa rin ang mga mata ko hahah* “Ibig nyo bang sabihin dumi lang yung kulay ko kanina?”
Tapos tumawa kami, “NYAHAHAHAH!”
Umalis na ko nun pagkatapos.
Papasok ko sa kwarto, tumingin ako sa salamin…
“Eh?!”
…
…
…
Wala namang nagbago ah. Saka…naligo lang ako.
Mga adik…pinag-tripan ako! nyahahah.
Epekto ata yun ng yema na ginawa ni Boulek.